iayos ang talata mula simula, gitna at wakas
Batay sa mga pag-aaral ng Komisyon sa Wikang Filipino at iba pang mga lingguwista, mas angkop na tawaging Filipino ang ating wikang pambansa. Mas malawak ang alpabetong Pilipino. Ang alpabetong Filipino ay may dalawampu’t walong titik. Marami tayong mga salitang ginagamit na nagtataglay ng mga titik na nasa alpabetong Filipino kaya karapat-dapat lamang na Filipino ang ating maging wikang Pambansa.
Ang dating Pang. Quezon ang unang nagmalasakit na magkaroon ng wikang pambansa na mag-uugnay sa buong kapuluan. Siya ang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt nang ipatupad ng kanyang administrasyon ang probisyon ng Saligang Batas tungkol sa wikang pambansa. Ayon sa kanya, sa tulong ng wikang pambansa, ang bawat mamamayang Pilipino ay magkakaisa.
Mahigit na walumpong katutubong wika ang umiiral sa bansa. Ang sampung pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilokano, Waray, Hiligaynon, Bicol , Kapampangan, Pangasinan, Tausug , at Ibanag. Iba-iba pa rin ang wika sa iba’t ibang dako. Sa mga lalawigang bulubundukin, halimbawa, may sari-saring wika ang mga Bontok, Igorot, at Ifugao, gayundin sa Mindanao at iba pang pook . May mga Muslim na nagsasalita ng Maranaw, Tausug, Magindanaw at iba pa.
Share
Answer:
ung nasa ikalawang saknong..is sa simula
and ung nasa una nasa gitna...and ung 3 saknong un ang wakas