Iba-iba ang pinagkakaabalahan ngayon ng mga Pinoy upang matanggal ang stress na dulot ng pandemya. Ang iba ay nagtanim ng mga halaman, nag-oonline selling, nagluluto at ibinebenta ang kanilang mga produkto at ang iba naman ay nahumaling sa paglalaro ng mga online games at panunuod ng mga palabas sa telebisyon.
1. Ano ang pangunahing paksa?
2. Ano ang angkop na pamagat sa teksto?
A. Pagkahilig sa Paghahalaman
B. Pagkahilig sa iba’t-ibang Gawain
C. Ang Pinagkakaabalahan
D. Ang mga Pantanggal Stress
Sa tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre, maraming mga Pilipino na ang abalang namimili ng mga dekorasyon at palamuti para sa darating na pasko. Maririnig na rin nating ang iba’t-ibang mga awiting pamasko saan mang lugar. Sa pagsapit ng Disyembre, kaliwa’t kanan na ang mga naghahabol para sa pamimili ng regalo sa
kanilang mga inaanak at mahal sa buhay. Tunay ngang iba ang diwa ng pasko sa ating bansa.
3. Ano ang pangunahing paksa?
4. Ano ang angkop na pamagat sa teksto?
A. Buwan ng Setyembre
B. Mga Gawain ng mga Pilipino
C. Ang Diwa ng Pasko sa Ating Bansa
D. Mga Awitin sa Pasko
Isa sa mga ugaling nakasanayan na nating Pilipino ay ang pagiging magalang. Ang pagsasabi ng po at opo ay palagi nating itinuturo sa mga bata upang malaman nila ang kahalagahan ng paggalang sa mga nakatatanda. Alam naman natin na ang batang magalang ay kinagigiliwan ng mga tao kaya na lamang ganun ang pagpapahalaga natin sa kaugaliang ito.
5. Ano ang pangunahing paksa?
6. Ano ang angkop na pamagat sa teksto?
A. Ang Pagiging Magalang
B. Ang po at opo
C. Ang Paggalang sa Nakatatanda
D. Ang Batang Magalang
Share
Answer:
1. Pinagkakaabalahan ng mga Pinoy pampatanggal stress ngayong pandemya.
2. D
3. Paghahanda sa nalalapit na pasko.
4. A
5. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino.
6. A
sana makatulong
Answer:
1
2 D
3
4 A
5 MAGING MABUTING TAO AT MGING MAGALANG
6. A