Iba’t iba ang pananim sa Timog-Silangang Asya, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga puno dito ng niyog, prutas, palay atbp. Nagtataglay ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ng matabang lupa at nababalutan ng behetasyon Tropical Rainforest. Bakit sagana ang mga bansa sa Timog Silangang Asya sa mga ganitong uri ng pananim?
Home
/
Iba’t iba ang pananim sa Timog-Silangang Asya, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagunguna sa buong daigdig sa produksyon ng
Verified answer
Answer:
Maraming mga bagay o salik ang nakakaapekto sa maganda at masaganang pagtatanim sa Timog Silangang Asya. Ang ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod.
1. Klima - Dahil sa maganda ang klima sa Timog Silangang Asya, nagiging sapat ang sikat ng araw at dami ng ulan ang natatanggap ng rehiyon na nagbibigay daan sa maayos na paglaki ng mga puno at halaman. Ito din ang dahilan kung bakit maganda ang agrikultura sa rehiyon na isa sa pangunahing kabuhayan ng mga tao dito.
2. Topograpiya - Ang klase ng topograpiya ng Timog Silangang Asya ay nagbibigay daan upang mabuhay ng maaayos ng mga puno dito. Halimbawa, ang mga bulubundukin ay mainam na lugar upang mabuhay ang mga niyog, kakaw at iba pang puno na mapagkukunan ng mga produkto.
3. Anyong tubig- Ang pagkakaroon ng maraming anyong tubig ay may ambag din upang magkaroon ng magandang lupang pangsakahan. Hindi lang ito isa sa mga pwedeng pagkunan ng tubig pang irigasyon kundi may dala ding sustansya ang tubig kung magkaroon ng pagbaha.
Explanation:
#BrainlyFast