ibat ibang uri ng birtud
Share
ibat ibang uri ng birtud
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Birtud:
Dalawang Uri:
intelektuwal
moral
Ang intelektuwal na birtud ay tumutukoy sa mga gawi ng isip. Ang wastong paggamit ng mga ito ay nagdudulot ng malaking katipiran sa salapi at panahon.
Ang moral na birtud ay tumutukoy sa mga gawing nagpapabuti sa tao. Ang mga gawing ito ay ginagamitan ng kilos - loob.
Uri ng Intelektuwal na Birtud:
pag - unawa
agham
karunungan
maingat na paghuhusga
sining
Ang pag - unawa ay tumutukoy sa pangunahing birtud na nakapagpapaunlad ng isip. Kung hindi magagabayan ng pang unawa ang ating sigasig sa pagkatuto mawawalang - saysay ang ating isip.
Ang agham ay tumutukoy sa sistematikong kalipunan ng mga tiyak at totoong kaalaman na dulot ng pananaliksik at mga ebidensya.
Ang karunungan ay tumutukoy sa antas na kung saan naabot ng kasipan ng tao ang kaganapan nito. Ito ay ang pagiging wagas ng kaalaman.
Ang maingat na paghuhusga ay isang uri ng kaalaman na ang layunin ay labas sa isip lamang ng tao.
Ang sining ay tumutukoy sa mga tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin.
Uri ng Moral na Birtud:
katarungan
pagtitimpi
katatagan
maingat na paghuhusga
Ang katarungan ay tumutukoy sa pagbibigay sa tao kung ano ang nararapat para sa kanya anuman ang katayuan niya sa buhay.
Ang pagtitimpi ay ang pagkilala sa mga bagay na makatuwiran at mga luho lamang.
Ang katatagan ay ang pagiging malakas at pagkakaroon ng pag - asa sa kabila ng mga mabigat na pinagdaraanan.
Ang maingat na paghuhusga ay tumutukoy sa ina ng mga birtud kaya naman ito ay kabilang sa moral at intelektuwal na birtud.
Explanation:
HOPE IT HELPS
Answer:
Pag-unawa
Agham
Karunungan
Maingat na Paghuhusga
Sining
Explanation: