Ibigay ang limang uri ng pang-abay.
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
May Pananda
Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Tayo nang manood ng sine.
Naglalakad sa kawalan ni Marco.
Aawit ako kung aawit ka rin.
Maglalaba tayo kapag sumikat ang araw.
Magbabasa tayo ng aklat tuwing makalawa.
Walang Pananda
Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali
Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
Kanina pa sila umalis.
Ngayon mo na puntahan si Mareng Winnie.
Bukas mo na dalhin ang biik.
Kaunting sandali pa at aalis na tayo.
Nagsasaad ng Dalas
Halimbawa: araw-araw, tuwing, taun-taon
Kailangan mong maligo araw-araw.
Tuwing umaga nangunguha si ama ng mangga.
Nagbabakasyon kami sa Hongkong taun-taon.
Lingo-lingo kung mamili ng paninda si Aling Fe.
Oras-oras kung magdasal ang mga madre.
2. Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy din ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ilan sa mga halimbawa ng pang-abay na panlunan ang mga salitang sa, kina o kay.
Samantala, ginagamit ang ‘sa’ kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Ang ‘kay’ at ‘kina’ naman ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa:
Buksan mo ang pinto sa kusina.
Ibinigay sa akin ni Mariel ang hawak niya.
Pag-aaralin kita kung sa amin ka titira.
Pumunta sa bayan ang mag-asawa.
Pakikuha kina Berto at Berta ang bayad sa bangus.
Kina Amiel at Ariel ang mga prutas na ito.
Kina Sonia mo hanapin ang nawawala mong pusa.
Bumili ako ng sapatos kay Nora.
Pakibigay na lang ang sukli kay Vilma.
Kay Sharon bagay ang sapatos.
3. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang nang, na, at -ng.
Halimbawa:
Sinuntok ko siya nang malakas.
Binigyan niya ako nang matinding sampal sa mukha.
Kumain ako ng mabilis para makanood agad sa telebisyon.
Bukas ng gabi ko balak tumakas.
Sa makalawa ay maisasakatuparan ko ng mahusay ang aking mga plano.
Matutulog na sana ako nang biglang tumawag si Amy.
Kakain kami ng spaghetti sa JolliDo.
Sa Linggo na tayo mag-usap.
Gumising ka nang maaga para maaga ka ding makaalis.
Hanggang mamaya na lang ako tatanggap ng labada.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagpapahiwatig ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
Halimbawa:
Parang ayoko nang pumunta sa lugar nina Elmer.
Marahil ay wala na tayong aabutan kung tutuloy pa tayo.
Siguro ay nakaalis na sila.
Baka naman hinihintay pa nila tayo.
Tila may ilalakas pa ang ulan.
Wari ko’y nasa kanto na ang mga iyon.
Pero parang sasama din si Eden.
Marahil gumagayak na siya ngayon dahil alas-singko ang usapan.
Siguro mauna na tayong lumakad dahil baka mahuli tayo sa piging.
Tila mahirap ang daan patungo sa kanila.
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre at marami pang iba.
Halimbawa:
Sadyang mabilis kumilos ang batang si Irene.
Tunay ngang napakabuti ng ating Diyos.
Talagang malikot ang anak ni Don Pepot.
Sadya namang mahusay ang kapatid niya dahil may pinagmanahan.
Tunay na marangal ang pamilya ni Jojo.
Talagang mabuting bata iyang si Nonong.
Sadyang maadali ang pagsusulit upang lahat tayo ay makapasa.
Tunay ngang ika’y mahal sa akin.
Talagang hindi maipagkakaila na ikaw ang ama ng bata.
Sadyang mahina sa aralin ang anak ni Mang Tomas.