II. Panuto: Basahin ang talata at suriin kung anong damdamin ang nangingibabaw sa bawat
pahayag ng mga tauhan. Isulat ang titik lamang.
1"Jim, mahal ko," ang wika niya, "huwag mo sana akong masdan nang paganyan.
Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang
pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. 3 Ito nama'y hahaba uli-huwag ka sanang
magagalit ha, ha? Kailangang gawin ko iyon. Mabilis namang humaba ang aking buhok. 4 Hala,
sabihin mong Maligayang Pasko, Jim at tayo'y magsaya. 5 Hindi mo nalalaman kung gaano
kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.
6 Pinaputol mo ang iyong buhok? ang tanong ni Jim.
9. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa unang pahayag?
A. maalalahanin
B. mabait
C. mapagmahal
10. Aling pahayag ang nagpapakita ng pagiging mapagbigay ng tauhang si Bella?
À. 3
B.2
C.1
11 Anong damdamin ang namayani kay Jim sa huling pahayag?
A. panghihinayang
B. pagkayamot
C. pagkalungkot
12. Sa pahayag bilang 3, alin ang nagpapakita ng pag-aalinlangan?
A. Ito nama'y hahaba uli - huwag ka sanang magagalit ha, ha?
B. Malakas naming humaba ang buhok ko.
C. Kailangang gawin ko iyon.
13. Aling mga pahayag ang nagpapahiwatig ng pagiging masaya?
A. 1 at 2
B. 4 at 5
C.2 at 4
14. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Bella batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay?
A. maisasakripisyo ang pinakamahalang bagay alang-alang sa minamahal
B. padalos-dalos sa pagdedesisyon sa buhay
C. may determinasyon sa buhay
15. Sa kabuuan, anong damdamin ang nangingibabaw sa binasang pahayag?
A. Pagsisisi
B. pagbibigayan
C. pag-ibig
Share
Answer:
9. C
10. B
11. A
12. A
13. B
14. A
15. C