II. TAMA O MALI. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap, MALI naman kung hindi wasto.
1. Ang kahalagahan ng kababaihan ay nakabatay sa kanyang kakayanang magkaroon ng anak
at kung hindi ito mangyari, pinapayagan ang asawang lalaki na hiwalayan ang kanyang asawang babae.
2. Sa Timog-Silangang Asya nagmula ang kilalang Epiko ng Ramayana kung saan si Sita na asawa ni
Prinsipe Rama ay naglalarawan ng pagiging isang huwarang asawa.
mali
3. Sa Silangang Asya, partikular sa bansang Japan, ipinatupad noong panahon ng dinastiyang Sung
ang kaugalian ng footbinding kung saan ang paa ng mga batang babae ay mahigpit na binabalutan ng
bendang seda upang mapigilan ang paglaki nito.
4. Sa sinaunang panahon sa Asya masasalamin ang kalagayan ng mga kababaihan sa
relihiyon kung saan sinasamba ng mga ninunong Asyano ang mga diyosa
5. Ang pagiging mabuting asawa at ina ang pangunahing tungkulin ng mga babae noong sinaunang
panahon sa Asya.
6. Ang pagpapanatiling maliit ng mga paa ng isang babae ay pinaniniwalaan ng mga sinaunang
Hapones na pamatayan ng kagandahan ng mga kababaihan at isang patunay na ang isang babae ay hindi
nagtatrabaho at kayang suportahan ng kaniyang asawang lalaki.
7. Sa Silangang Asya naman, pinahahalagahan ng mga Hapones si Amaterasu O-mi-kami na diyosa
ng araw at pinaniniwalaang pinagmulan ng unang emperador ng Japan.
8. Nakapaloob sa Batas ni Hammurabi ang pagtutol sa pagbibigay ng dote sa mga kababaihan.
9. Sa lipunang Muslim, isinasagawa ang kaugaliang purdah na ang ibig sabihin ay belo sa salitang
Persian, kung saan ang mga asawang babae ay nagsusuot ng burka o maluwang na damit na may
kasamang belo
10. Sa grupo ng mga Dravidian sa Kanlurang Asya sinasamba ang diyosa ng buwan ngunit nang
dumating ang mga Indo-Aryan, napalitan ng lalaki ang kanilang sinasamba at naging pangunahing diyos si Indra.
Patulong po jan!
Share
Answer:
1.Tama
2.Mali
3.Tama
4.Tama
5.Tama
6.Mali
7.Tama
8.Tama
9.Tama
10.Tama
explanation:
Hope it helps