III. Panuto: Pagsusunud-sunod. Lagyan ng mga bilang 1 hanggang 5 ang mga hakbang sa paggawa ng kalamay na pinipig.
___________16. Haluin hanggang ito ay lumapot at lumagkit.
___________17. Pagsamahin ang pinipig, gata ng niyog at asukal sa isang lalagyan. Ibabad ito sa loob ng 20 minuto.
___________18. Isalin ito sa bilaong pinatungan ng dahon ng saging o wax paper. Hiwain sa sukat na gusto kapag malamig-lamig na at sabuyan ng latik.
___________19. Lutuin ang pinaghalong pinipig sa isang kawali. Tiyaking mahina ang apoy upang huwag manikit sa kawali.
___________20. Kapag malapot na nang bahagya, ilagay ang tinustang anis.
Share
1 Replies