III.Gawain:
Gawain l. Panuto: Pagnilayan ang awiting pinasikat ni Noel Cabangon na pinamagatang "KALUNGAN".
Chorus:
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Refrain 1:
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
[Repeat Chorus]
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
Refrain 2:
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
[Repeat Chorus]
[Repeat Refrain 2]
[Repeat Chorus]
Mga Tanong:
1. Ano ang kabuuang tema ng awitin?
2. Ano ang ipinaabot ng awiting ito sa iyo patungkol sa paggawa at tamang
pamamahala sa oras?
PA HELP PO PLEASE
BRAINLIST KO MAKA SAGOT NG TAMA
Share
Answer:
1. ang kabuuang tema ng awitin ay tumutukoy sa pagbabalik tanaw sa mga lumipas na panahon.
2. pinaabot ng awitin na dapat nating pahalagahan ang bawat sandali kasama ang mga mahal mo sa buhay dahil kapag lumipas ang panahon ay tanging pagbabalik tanaw nalang ang kaya mong gawin dahil hindi mo na maibabalik ang kahapon ano man ang nangyari sa nakalipas.