III.Tama o Palit. Unawaing Mabuti ang pahayag. Isulat ang salitang tama kung ito ay tama. Kung mali naman ay palitan ang salitang nakasalungguhit upang maiwasto ang pahayag.
_________21. Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
_________22. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo na destinasyon ng Business Processing Outsourcing.
_________23. Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon.
_________24. Talamak sa Pilipinas ang onshore outsourcing sa kasalukuyan. Patunay rito ang dumaraming bilang ng call centers sa bansa na pagaari ng mga dayuhang namumuhunan na ang ilan ay mula sa United States, United Kingdom, at Australia.
_________25. Maliwanag itong natukoy sa pag-aaral ng Oxfam International sa taong 2017. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang kinita ng sampung pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo sa taong 2015-2016 ay higit pa sa kita ng 180 bansa.
_________26. Isa sa mga di magandang epekto ng pag-usbong mga transnational at multinational companies ay ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara.
_________27. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapataas ng halaga ng mga nabanggit na produkto.
_________28. Isa pa din sa mga epekto ng pag-usbong ng mga kompanya ay ang pagliit ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
_________29. Ang Globalisasyong Ekonomiko ay nakasentro sa isyung politikal na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo.
_________30. Malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Share
Answer:
21.tama
22.mali
23.ta ma
24.tama
25.mali
26.tama
27.ta ma
28.mali
29mali
30.tama
Explanation:
sana makatulong