II.Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap ng Tama o Mali. Isulat sa patlang ang iyong napiling kasagutan.
_____1. Ang tao ay walang kakayahan na kumilala ng mabuti o masama.
_____2. Ang konsiyensiya ay tumatayong testigo sa tunay na nangyayari sapagkat nagpapatunay ito sa
kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao
_____3. Ang Likas na Batas Moral ay namamahala sa tao at nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa
mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao.
_____4. Tama ang konsiyensiya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang tama ang mali.
_____5. Ang Likas na Batas Moral ay temporary lamang at mawawala ito pagkalipas ng ilang taon.
_____6. Ang Likas na Batas Moral ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan,
walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
_____7. Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gagawa ng masama at sisira ng kapwa at ng kanyang
sarili.
_____8. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung mahuhubog niya ng mabuti ang kanyang konsensiya
batay sa Likas na Batas Moral.
_____9. Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang Likas na
Batas Moral sapagkat nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal.
_____10. Ang konsiyensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad.
_____11. Sinasaway mo ang iyong mga kaibigan sa tuwing pinagtatawanan ng mga ito ang may
kapansanan ninyong kaklase.
_____12. Pinaghuhusayan mo palagi ang lahat ng iyong ginagawa.
_____13. Wala ng pasok sa eskwela kaya palagi kang nagpupuyat sa paglalaro ng mobile games.
_____14. Nakita mo na nakatayo ang isang matanda habang naghihintay ng bus sa terminal kaya tumayo
ka at ibinigay mo ang iyong upuan sa matanda.
_____15. Nakita mo na nahulog ang pera ng babae, hindi mo ito isinauli sa kanya dahil hindi mo naman
ninakaw ito.
_____16. Kahit takot ka na mapagalitan ng iyong mga magulang, pinili mo paring magsabi ng totoo.
_____17. Ginaya mo ang iilan mong mga kaklase na mangopya sa takdang-aralin ng iba.
_____18. Nang matapos ang inyong klase, inanyayahan ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa internet
café para maglaro ng online games pero tinanggihan mo sila para makauwi ng maaga at tumulong sa mga gawaing bahay.
_____19. Nakita mo ang nagnakaw sa pera ng inyong klase, dahil kaibigan mo ang kumuha pinili mong
hindi magsalita.
_____20. Sobra ng limampung (50) piso ang sukli na ibinigay sa’yo, ibinalik mo ito sa nagtitinda kahit kailangang-kailangan mo ng karagdagang pera para sa iyong ginagawang proyekto sa klase.
Share
Answer:
1.mali
2.tama
3.tama
4.mali
5.mali
6.tama
7.tama
8.tama
9.tama
10.tama
11.tama
12.tama
13.mali
14.tama
15.mali
16.tama
17.mali
18.tama