II.Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay nabibilang sa katotohanan, hinuha, opinyon o
personal na interpretasyon.
6. Ayon sa tala ng DOH, umabot na sa record high na 401 ang namatay sa Covid-19.
7. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong magsulat ng mga tula kaysa magsuri ng mga akdang pampanitikan.
8. Nagkaroon ng magandang pagsasama ang magkabiyak dahil sa kanilang mga magulang na laging nakaagapay sa kanila.
9. Ayon kay Atty. Benjo Benavidez, walang pinagkaiba ang sahod ng mga nasa telecommuting work arrangement sa istandard na pagtratrabaho.
10. Tila hindi na maibabalik pa ang dating samahan nilang dalawa.
11. Laging makinig sa mga nagsasalita sa isang palihan upang maging makabuluhan ang pagdalo sa mga ito. Ang pahayag na ito ay interpretasyon niya sa sinabi ng tagapagsalita.
12. Sa aking palagay, nararapat lamang na bigyan ng pantay na karapatan ang mga kalalakihan at kababaihan sa kasalukuyan.
13. Batay sa report sa UNESCO ng Internasyunal na Komisyon sa Edukasyon para sa ika-21 dantaon, malaki ang naitutulong ng mga polisiya sa edukasyo sa pagbuo ng higit na mabuting daigdig.
14. Naniniwala akong darating ang panahon na matatanggap din nating lahat na hindi na magiging gaya ng dati ang lahat.
15. Marahil ay may magandang dahilan si Jin kaya siya nangibang bansa.
Share
Kung ito ay nakatulong, huwag kalimutang markahan ito bilang brainliest answer.