Ikapitong Linggo Gawain I:
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong
Si Mia ay isang batang biniyayaan ng iba’t ibang talento. Magaling siyang sumayaw, kumanta at siya ang nangununa sa kanilang klase. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa taglay niyang kagalingan at katalinuhan.
Pinagbubuti at nililinang ni Mia ang kanyang mga natatanging talento. Lagi siyang nag-eensayo sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang.
Noong nakaraang buwan ay sumali sa patimpalak sa kanilang barangay si Mia. Tagisan ito ng talento sa pagkanta, dahil mahusay sa pag-awit si Mia ay naglakas loob siyang sumali at ipakita ang kanyang galing sa pag-awit.Naging puspusan ang ang pag- eensayo ni Mia dahil alam niya na magagaling ang kanyang mga kalaban. Isa rin sa dahilan ng kanyang pagsali ay upang makakilala ng mga bagong kaibigan na may parehas na interes sa pagkanta.
Dumating ang araw ng paligsahan, buong pusong inawit ni Mia ang kanyang napiling kanta. Naging maayos at mahusay ang kanyang pagtatanghal ngunit hindi siya pinalad na manalo. Pagkatapos ng patimpalak ay binati ni Mia ang mga nanalo at siya ay nakipagkilala at nakipagkaibigan sa kanila. Naging kaibigan niya sila Rica, Janine at Glenda. Mula noon ay lagi naging mabuting magkakaibigan sila. Ang hilig nila sa pagkanta ang lalong nagpalapit at nakapagpatibay ng kanilang pagkakaibigan.
Mga tanong:
1. Anu-Anong talento mayroon si Mia?
2. Paano pinagbuti ni Mia ang mga talentong ipinagkaloob sa kanya?
3. Bakit sumali sa patimpalak sa pag-awit si Mia?
4. Tama ba ang ginawa ni Mia na binati niya ang kanyang mga kalaban kahit hindi siya ang nanalo?
5. Kung ikaw si Mia makikipagkaibigan ka ba sa mga taong tumalo sayo sa paligsahan?
Share
Answer:
1.Magaling sumayaw kumanta at siya ay nangunguna sa kanilang klase
2. Laging nag eensayo
3. Dahil sya ay mahusay na umawit
4. Tama
5. Oo