Ilarawan ang katangian ng mga piling tauhan ng akdang ibong adarna. Pagkatapos pumili ng isang tauhang nagustuhan at ipaliwanag.
Don Juan ________________________________________________________
Don Pedro________________________________________________________
Don Diego________________________________________________________
Napiling Tauhan:___________________________________________________
pa sagot po pls
Share
Answer:
Don Juan – Ang bunso sa magkakapatid na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang, at may mabuting kalooban. Madaling mahulog ang kaniyang kalooban sa mga dalagang nakilala sa kaniyang pakikipagsapalaran.
Don Pedro – Ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor. Siya ay makasarili at mainggitin.
Don Diego – Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong Adarna. Madali siyang nadadala ng nakatatandang kapatid na si Don Pedro.
Napiling Tauhan: Don Juan dahil sya ay mapagmahal sa mga magulang, matulungin na tao lalo na sa mga nangangailangan at nanatiling mabuting tao sa kabila ng paggawa ng masama ng iba sa kanya.
Explanation: