impluwensya ng mga espanyol sa kulturang pilipino
Share
impluwensya ng mga espanyol sa kulturang pilipino
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang mga larong ginagamitan ng kard ay nagmula sa mga Espanyol tulad ng juegode prenda, pangguinggui, at sietesiete. Ang patintero at sipa ay mga larong panlabas na sa mga Espanyol din nanggaling.
Ang pagdiriwang ng kapistahan ng patron o santo ng bayanang pinaka-tanyag at nakaaaliw na pagdiriwang. Dinala ito ng mga Espanyol upang parangalan ang mga patron ng bayan. Magarbo ang mga handaan, at kahit maliliit na tahanan ay naghahanda ng mga pagkain. Ang mga kamag-anakan mula sa ibang bayan ay dumadalaw sa mga tahanan upang makipagdi-wang ng pista.
Bukod sa pista, naging bahagi na ng kaugalian at tradisyong Pilipino ang iba pang mga panrelihiyong pagdiriwang katulad ng mga binyagan at kasalan. Natutong mangutang ang mga Pili-pino para lamang maipagdiwang nang marangya ang mga okasyong ito. Iba pang pagdiriwang na panreli-hiyon na minana mula sa mga Espanyol ang Pasko, Mahal na Araw, Bagong Taon, Flores de Mayo, at Santacruzan.