ipaliwanag ang pagiging matapat ng mamamayan sa batas at lipunan ay kaunlaran ng lipunan
brainliest
Share
ipaliwanag ang pagiging matapat ng mamamayan sa batas at lipunan ay kaunlaran ng lipunan
brainliest
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Hindi isinasaalang-alang kung ang isa ay ipinanganak na mamamayan, o kung ang pagkamamamayan ay natamo sa bandang huli ng buhay – ang pagkakaroon ng katapatan sa bansa ay nagbibigay-daan sa isang mamamayan na tunay na pahalagahan at mahalin ang sariling bayan.
Ang katapatan ay isang mahalagang tungkuling panlipunan na nagpapakita ng respeto at pagtitwala sa mga pinahahalagahan.
Ngunit kahit na may mga batas ang isang bansa upang sundin ng mga mamamayan at upang sila ay maging matapat, hindi talaga maiiwasan na mayroong hindi sang-ayon at nilalabag ang mga ito. Madalas, ito ang nagiging simula ng hindi pagkaka-unawaan at kaguluhan ng bansa. Karamihan sa mga kaguluhan sa isang bansa o lipunan ay nagsisimula din sa mga mamamayan at kung minsan din ay sa mga tagapaglingkod nito. Ang kadalasan na mga nakikita natin sa isang magulong lipunan ay kahirapan na may kaakibat na kagutuman sa mga tao, nahahadlangan ang pag-access sa edukasyon, at iba pa.
Ngunit kung ang katapatan ay isinasagawa at pinagtutulungan na makamit ng isang lipunan, tiyak na magkakaroon ng masaganang buhay ang mga mamamayan nito. Mas magiging malakas ang tiwala na ibinibigay ng mga tao tungo sa kaunlaran lalo na't kung ang katapatan ay naipapakita mismo ng mga tagapaglingkod ng lipunan na nasa matataas na posisyon. Dahil, madalas din na naghihimagsik o hindi nagiging matapat ang mga tao kung hindi rin naman ang katapatan nanggagaling sa mga tinitingalang mga tagapaglingkod. May mga panahon man ng kagutuman at kahirapan, na karaniwang nangyayari at nararanasan naman sa buhay, ngunit kung ang lahat ay tapat at may malasakit sa isa't-isa, hindi man kabilisan, ay tiyak na makakamit rin ang hinahangad na kaunlaran sa di kalaunan.
#brainlyfast