Ipaliwanag Mag Banghay ng Maikling kuwento
●NONSENSE ANWER REPORT
Share
Ipaliwanag Mag Banghay ng Maikling kuwento
●NONSENSE ANWER REPORT
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Maikling Kuwento • isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin
Mga Banghay ng Maikling Kuwento
I. Simula - paglalahad o paglalarawan sa tauhan, tagpuan o maaaring mailahad agad ang suliranin.
II. Suliranin - ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya.
III. Papataas na Aksyon- dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa inilahad na suliranin.
IV. Kasukdulan- pinakamataas na bahagi ng kuwento. Masasabing dito sa bahaging ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento. May mga kuwentong ang kasukdulan ang nagiging wakas ng kuwento.
V. Pababang Aksyon- Dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan, sa mga kumbensyunal o tradisyonal na kuwento, madalas maglagay ng ganito ang mga manunulat. Dito binibigyang kasagutan ang suliraning inilahad sa kuwento. Maaaring masagot sa bahaging ito ang lahat ng tanong na nasa isip ng mga mambabasa.
VI. Wakas - Maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na open-ended.
Explanation: