isa isahin ang mga hakbang na kinakailangan sa pag buo ng anekdota.
pakisagot ng maayos!!
Share
isa isahin ang mga hakbang na kinakailangan sa pag buo ng anekdota.
pakisagot ng maayos!!
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Anekdota :
1. Isiping ang isinusulat na anekdota ay isang libangan.
Magsaliksik ng isang nakatutuwang pangyayaring kapupulutan ng aral mula sa isang kilala o tanyag na tao. (Halimbawa: bayani, pulitiko, artista, manlalaro, at iba pa)
2. Pagpili ng mga nakatutuwang pangyayari sa buhay.
Ilahad ang mga pangyayaring nakalilibang sa mga mambabasa.
3. Paggawa ng balangkas.
Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa gabay ng pagsulat.
4. Umisip ng nakatatawag- pansin na panimula.
Maaring tanong o pagsipi sa isang pahayag o panggulat na pangungusap.
5. Paghahayag ng suliranin mula sa ikalawang talata.
Bagama’t maikli dapat makita ang suliranin sa kuwento. Kailangang banggitin ang tagpuan o lugar na pinangyarihan.
6. Paglalahad ng nilalaman bilang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Nakatuon sa bahaging ito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari mula sa simula, tunggalian, kasukdulan at wakas.
7. Pagwawakas sa kuwento sa maikling paraan.
Ihayag ang aral na nais ipabatid sa mambabasa.
8. Pagpili ng angkop na pamagat.
Kapag natapos na ang kuwento isunod angi pamagat. Maikli at nakatatawag- pansin at sikaping may kaugnayan sa nilalaman ng anekdota.
#Carryonlearning
I hope this helps.. ^_^