Isang araw, habang naglalakad ang mag-ama papuntang plasa,
napag-usapan nila ang Nanay Beng na nasa Maynila.
Ted: Tatay, bakit po pumunta ang nanay sa Maynila?
Tatay: Ted, maghahanap ng trabaho ang nanay mo roon.
Ted: Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?
Tatay: Oo, anak!
Ted: Wow, tiyak kong may pasalubong sa akin ang Nanay. Boomer, narinig
mo iyon? Itay, tingnan mo matangkad na ang ating alagang asong si
Boomer.
Tatay: Halika Ted, dalhin natin ang aso mo sa plasa. Narinig kong may
palatuntunan doon. Manonood tayo.
Ted: Itay, kailan po ba uuwi ang nanay? Araw-araw kasi akong nasasabik
sa makasama siya.
Tatay: Sa susunod na linggo, uuwi na ang nanay mo anak.
Ted: Talaga ba itay? Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na
yakap.
Tatay: Sosorpresahin ko naman siya nang bonggang-bongga.
Halika ka na nga anak. Pupunta na tayo sa plasa kasama si Boomer.
Mga tanong:
1. Sino ang pinag-uusapan ng mag-ama?
2. Bakit pumunta sa Maynila ang nanay ni Ted?
3. Saan patungo ang mag-ama?
4. Ilarawan ang mag-ama sa usapang binasa.
5. Paano sasalubungin ng mag-ama si nanay Beng?
6. Pansinin ang pagkakagamit sa pangungusap ng mga salitang nakaitaliko.
Suriiin kung paano ito ginamit at ang binibigyang-turing nito sa
pangungusap. (walang inaasahang sagot dito kundi paghahanda lamang sa
talakay)
Share
Answer:
Explanation:
pabrainliest po ty