isang katangian ng wika na may sinusunod na tuntuning gramatikal bago pa ito maging bahagi ng makipagtalastasan.
Share
isang katangian ng wika na may sinusunod na tuntuning gramatikal bago pa ito maging bahagi ng makipagtalastasan.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Masistemang istruktura ng wika
Isa ito sa mga katangian ng wika kung saan ito ay mayroong sistema. Ang sistema ay tumutukoy sa kaayusan o order. Ibig sabihin, ang wika ay may pattern at istruktura. Kapag pinagsama-sama ang mga tunog ay makakabuo ng mga salita. Ang mga salitang pinagsama- sama ay nakabubuo naman ng mga parirala at pangungusap. Ang mga pangungusap naman ay makabubuo ng mga talata upang magkaroon ng makabuluhang pakikipag-ugnayan at komunikasyon.
Ang istruktura ng wika ay maaari ding aralin o suriin sa iba’t ibang antas nito mula sa pag-aaral ng mga makabuluhang tunog (ponolohiya), mga salita (morpolohiya), mga parirala at pangungusap (sintaks) at mga kahulugang nabubuo (semantiks). Bahagi nito ang pagkakaroon ng mga patakarang gramatikal upang magkaroon ng unawaan ang dalawang taong nag-uusap.
Iba pang katangian ng wika at pagpapaliwanag nito maaaring bisitahin ang brainly.ph/question/18522051
brainly.ph/question/18277373
#BRAINLYFAST