ISANG KUWENTO SA BIBLIA O KAYA AY ISANG BIBLE VERSE NA GUSTONG-GUSTO MO AT SABIHIN KUNG BAKIT MO ITO GUSTO. IBAHAGI MO RIN KUNG ANO ANG NAGING EPEKTO NITO SA IYONG BUHAY.
Home
/
ISANG KUWENTO SA BIBLIA O KAYA AY ISANG BIBLE VERSE NA GUSTONG-GUSTO MO AT SABIHIN KUNG BAKIT MO ITO GUSTO. IBAHAGI MO RIN KUNG
Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
-1 Juan 1:9
Dito natin makikita sa Bible verse na ito na kahit gaano pa kalaki yang nagawa mong kasalanan ay handa kang patawarin ng Panginoong Diyos kung ikaw ay taos pusong nagpapakumbabang humingi ng kapatawaran sa Diyos. Handa kang linisan ng Panginoong Diyos sa nagawa mong kasalanan.Handa kang tanggapin ng Panginoong Diyos kahit na andami mo nang nagawang mali na hindi gusto ng Panginoong Diyos dahil mahal ka niya/tayu. Kaya kung natatakot man tayong humarap sa Panginoong Diyos dahil sa ating mga nagawang kasalanan alalahanin mo lang itong nakasulat sa verse na ito. Huwag kang matakot dahil naghihintay lang ang Panginoong Diyos sa iyu na ika'y lumapit sa kaniya at humingi ng kapatawaran sa kaniya. Handa kang baguhin ng Panginoong Diyos kapatid, at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng Panginoong Diyos.