Isang matandang may sakit sa balat na balot na balot ang mukha
ang sumakay sa dyip. Nang makita ng drayber ang mga sugat sa balat ng
matanda, naisip niyang baka nakahahawa ang sakit na ito sa balat. Nang
pababa na ang matanda, ipinahinto ang sasakyan at iniabot ang bayad-
pasahe.
"Huwag na po lola,' ang sabi ng drayber. "Huwag naman amang.
Naghahanap buhay ka rin," tugon ng pulubi.
Nagpumilit ang matanda, pero natatakot ang drayber na hawakan
ang pera dahil baka mahawa siya. “Huwag na po kayong magbayad lola,
sabi uli ng drayber. "Mas dapat kayong tulungan at kaawaan, eh."
Natuwa ang matanda. Sabay yakap at pinaghahalikan ang drayber sa
tuwa.
1. Sino ang dalawang tauhan sa anekdota? llarawan ang mga tauhan.
2. Bakit ayaw tanggapin ng drayber ang bayad ng matanda?
3. Bakit ipinagpipilitan ng matandang tanggapin ng drayber ang kaniyang
bayad?
4. Paano ipinakita ng matanda ang kaniyang pasasalamat sa drayber?
5. Sang-ayon ka ba sa ipinakitang kilos ng drayber? Bakit?
Share
Answer:
1.ang matanda at drayber
2.dahil baka mahawa sya sa matanda
3.dahil meron din itong hanap -buhay
4.niyakap nya ito at hinalikan
5.hindi Kasi ayaw nyang mahawa sa matanda
Explanation:
sana maka tulong