Isinilang si Marcelo H. del Pilar sa 1850. noong Agosto 30,
Home
/
Isinilang si Marcelo H. del Pilar sa 1850. noong Agosto 30,
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Si Marcelo H. Del Pilar (1850-1896) ay isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Espanyol.
Talambuhay ni Marcelo H. Del Pilar
Si Marcelo Del Pilar ay ipinanganak sa Kupang, Bulacan, noong Agosto 30, 1850, sa may pinag-aralang mga magulang. Nag-aral siya sa Colegio de San José at sa bandang huli sa Unibersidad ng Santo Tomas, kung saan natapos niya ang kanyang kursong abogasiya noong 1880. Sa kagustuhang makamit ang katarungan laban sa mga pang-aabuso ng mga pari, inatake ni Del Pilar ang pagkapanatiko at pagkukunwari at ipinagtanggol sa korte ang mga mahihirap na biktima ng diskriminasyon dahil sa kanilang lahi. Ipinangaral niya ang ebanghelyo ng trabaho, paggalang sa sarili, at dignidad sa kapwa tao. Dahil kanyang pagkadalubhasa sa Tagalog, ang kanyang katutubong wika, ay nagawa niyang pukawin ang kamalayan ng masa para sa pagkakaisa at matagal na paglaban sa mga malulupit na Espanyol.
Explanation:
wala kanaman pong tanung pero sana po makatulong yan