Isinilang si Monica na may nunal na malapit sa ilong at ang isa ay nasa gitna ng palad. Ayon sa matatandang kasabihan ito daw mga nunal ay palatandaan na paglaki ng bata ay magiging mayaman ito. Kaya habang lumalaki si Monica iyon ay nasassabi sa kanya ng kanyang lola na siya
magiging mayaman pagdating ng araw. At ang sinabi sa kanya ng kanyang lola hinggil sa kanyang mga nunal ay kanyang pinaniwalaan, kaya't
nakatanim sa kanyang isipan na pagdating ng araw siya ay magiging mayaman. Pero laging sinasabi naman ng kanyang magulang na magiging totoo lamang ito kung siya ay magsisikap na makatapos ng pag-aaral at
magkakaroon ng maayos na hanapbuhay. “Hindi ka yayaman ng dahil lamang sa iyong mga nunal, kailangan ang mga pagsisikap para maging totoo ito", yan ang laging paalala ng kanyang mga magulang sa kanya.
Tanong:
1. Sino ang dapat mas paniwalaan ni Monica, ang kanyang lola o ang kanyang
magulang?
2. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Monica, naniniwala ka ba sa mga kahulugan
ng nunal na mayroon tayo sa ating katawan? Kung oo bakit at kung hindi,
bakit?
3. Ano ang mga dapat mong gawing kilos upang maging totoo na maging
mayaman ka? Magbigay ng 3 o hanggang 5 na paraan na magagawa mong
kilos.
Share
1. Sino ang dapat mas paniniwalaan ni Monica, ang kanyang lola o ang kanyang magulang?
— Ang kanyang mga magulang.
2. Kung ikaw ay nasa katayuan ni Monica, naniniwala ka ba sa mga kahulugan ng nunal na mayroon tayo sa ating katawan? Kung oo bakit at kung hindi, bakit?
— Hindi. Dahil hindi naman binabase kung nasaan ang posisyon ng iyong nunal. Wala magiging epekto ito sa ating hinaharap.
3. Ano ang dapat mong gawing kilos upang maging totoo na maging mayaman ka? Magbigay ng 3 o hanggang 5 na paraan na magagawa mong kilos.
— Una, kailangan nating mag tiyaga sa pag-aaral. Wag tatamarin. Maging tipid na tao at wag maging buraot. At huli, wag na wag magiging pabaya sa ating mga gawain.
@carryonlearning
Answer:
1.ang kanyang mga magulang, kase tama ang kanyang magulang kung hindi ka mag.aaral ng mabuti malabong yayaman ka.
2. maniniwala, okay lang naman maniniwala pero di lahat ng pinaniniwalaan mo ay magiging totoo
3.-mag.aaral ng mabuti
- makikinig sa guro
- makikinig din sa sinasabi ng mga magulang pata di sila magsasawang sumosuporta sa ating pag.aaral
Explanation:
don't judge me if my answer is wrong, tinry ko lang makatulong