istory ang daga at leon pag tama kayo brellest ko kung sinong tama?
Share
istory ang daga at leon pag tama kayo brellest ko kung sinong tama?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
ANG DAGA AT ANG LEON
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon, Kanyang inaakyat ang likuran ng lean at pagdating sa itaas ay nagpapadavidos siya pababa. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagsing ang leon. Dinakma ng lean ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga, "pagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo, Wala akong masamang hangarin, Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyang likuran. Huwag mo akong kainin." ang sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko." sabi ng leon "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo." sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabilin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bilog ng nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginaingat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputal ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa yo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.