Isulat ang mga pagkakaiba at pagkakahalintulad ng mga sinaunang kabihasnan sa amerika.
Maya
Inca
Aztec
Share
Isulat ang mga pagkakaiba at pagkakahalintulad ng mga sinaunang kabihasnan sa amerika.
Maya
Inca
Aztec
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pagkakaiba at Pagkakatulad ng mga Mayan, Aztec, at Inca
Pagkakaiba ng mga Mayan:
Sila ay gumawa ng isang kalendaryo sa tulong ng astronomiya.
Nagkalat sa Central America ang kanilang sibilisasyon.
Ang pinakamalaking lungsod ng mga Mayan ay ang Tikal sa Guatemala.
Umusbong ang sibilisasyong ito mula 300 hanggang 900 AD.
Maraming itinayong mga city-state ang mga Mayan, at sa bawat city-state ay may isa itong pinuno.
Pagkakaiba ng mga Aztec:
Gumawa sila ng mga chinampas, o yung mga isla na ginagamit para sa agrikultura.
Ang kapitolyo ng emperyong Aztec ay Tenochtitlan.
Ang mga bangka ang pangunahing transportasyon sa mga lungsod na tinayuan nila ng chinampas.
Umusbong ang sibilisasyong ito mula 1100 hanggang 1521 AD.
Sinakop ng conquistador na si Hernan Cortes.
Pagkakaiba ng mga Inca:
Itinayo ang sibilisasyong Inca sa mga kabundukan ng Andes
Walang naimbentong sistema ng pagsusulat
Nagtayo ng mga malalaking tulay sa buong emperyo.
Naniniwala sila sa reincarnation.
Umusbong mula 1200 hanggang 1500 AD.
Sinakop ng conquistador na si Francisco Pizarro
Pagkakatulad ng Mayan at Aztec:
Ang mga Mayan at Aztec ay may sariling sistema ng pagsulat, at umusbong ang sibilisasyon nila sa Mesoamerica (Central America).
Pagkakatuad ng Aztec at Inca:
Emperor ang mga namumuno sa mga emperyo ng Aztec at Inca.
Pareho silang bumagsak sa kamay ng mga conquistador.
Pagkakatulad ng Inca at Mayan:
Gumagamit sila ng mga alahas na gawa sa metal.
Pagkakatulad ng Mayan, Aztec, at Inca:
Naniniwala ang mga Mayan, Aztec, at Inca sa napakaraming mga diyos at diyosa.
Nagsasagawa ang mga Mayan, Aztec, at Inca ng human sacrifice.
Nagtayo ang mga Mayan, Aztec, at Inca ng malalaking network ng kalsada.
Ang mga Mayan, Aztec, at Inca ay umaasa sa agrikultura at pagtatanim ng mga halaman.