isulat ang mga simbolo at imahe na nabasa mula sa kwento. ibigay ang kahulugan ng bawat simbolo at imahe sa kahon.
Nagmamadali ang Maynila
(ni Serafin C. Guinigundo)
“GINTO…GINTO…Baka po kayo may ginto riyan? Mga mama…mga ale…ginto” ang alok-anyaya ng isang babaeng nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.
“Baka po kayo may ginto?”, ang muling sigaw ng babae.
“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal ang ginto kaysa sa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida, Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nababalitang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook
na tipanan-- sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gata ng niyog. Kung sila’y palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad. Tingin sa singsing, kuwintas, hikaw at pulseras.
“Ilang ply, ano ang sukat ng goma?” usisa ng isa.
“Ano? In running condition ba? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak ng isa naman.
“Aba! Sinasabi ko sa iyo…garantisado. Hindi ka mapapahiya,” tugon ng tinanong.
“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan, ha? Kahit hindi nakasulat…ikaw ang bahala?”
“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maano. Hawak natin ang ibon.”
Halaw sa Haraya II ni Aurora Batnag et al.
KAHULUGAN - SIMBOLO
KAHULUGAN - SIMBOLO
KAHULUGAN - IMAHE
KAHULUGAN - IMAHE
Share
Explanation:
d ko alam yung sagot pasensya na