Isulat ang mga tamang hakbang sa pagbigay ng impormasyon gamit ang social media na hindi nakasasakit, at hindi makapaminsala sa sarili at sa kapwa.
Share
Isulat ang mga tamang hakbang sa pagbigay ng impormasyon gamit ang social media na hindi nakasasakit, at hindi makapaminsala sa sarili at sa kapwa.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Explanation:
Laging isaisip na ang social media ay pampubliko. Anumang epopost mo ay pwedeng makita ng lahat ng taong gumagamit ng social media kaya kung hindi ka handang mabatikos ng iba, sarilinin na lang ang nais sabihin o kaya ay itawag sa kaibigan.
Surin muna kung totoo ba o hindi ang balita lalo na sa social media. Tingnang mabuti ang source ng balita at baka fake news lang. Huwag kaagad maniwala lalo na kung iisa lamang ang nagbabalita. Kapag ito ay totoo, tiyak na mapapabalita ito sa radyo, telebisyon at social media nang halos magkakasabay.
Pagtimbang-timbangin ang mga impormasyon kung ito ba ay makatotohanan at kapani-paniwala. Mangyaring magsaliksik pa ng mga balitang may kaugnayan dito upang mapatunayan kung ang mga ito ba ay tunay nga. Maging mahinahon at makatarungan sa pagpapasya.
Bago ka magkomento, ihanda ang sarili sa responsibilidad ng bibitawan mong salita kaya siguraduhing mapapanindigan mo ito nang hindi nakakasakit ng iba.Samakatuwid, maging responsable sa hakbang na gagawin.
Beripikahin kung ang impormasyong nakita ay totoo nga bago eshare sa iba dahil marami kang maiimpluwensiyahan o maraming maniniwala sa’yo lalo na ang mga nakababata.