itala ang walong (8) inaasahang kakayahan at kilos ayon Kay Manuel dy
Share
itala ang walong (8) inaasahang kakayahan at kilos ayon Kay Manuel dy
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
TAO: ANG NATATANGING NILIKHA
Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo
ang halaman, ang hayop at ang tao. Katulad sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami. Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad sa hayop ang tao ay may damdamin kaya’t siya’y nasasaktan,marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang hindi tama subalit kumakalma sa tuwing pinakitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra maestra.
Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?
Ano ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang tama kahit pa alam niya ito, may kakayahan pa rin siyang mag-isip ng paraan upang baguhin at paunlarin ito.
Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.
Isip- Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may
kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, magalaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
Puso - Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.
Kamay o katawan - Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban - Ito rin ang instrumento sa pakikipag-uganayan sa ating kapwa.
Samakatuwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan,ay kailangang sanayin at linangin upang
magampanan ng mga ito ang kanikaniyang layunin.
Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatuwiran ay tinatawag na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang makamit ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama ng
kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin ng isip.
Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay isang
makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti
at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap
lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti. Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi,
magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkamit ng kaganapan ng tao.
Answer:
TAO:
Explanation:
po Ang tamang sagot
sana po Tama salamat