ito ay nagmumula sa sakit sa baga atay at iba pang komplikasyon
Home
/
ito ay nagmumula sa sakit sa baga atay at iba pang komplikasyon
ito ay nagmumula sa sakit sa baga atay at iba pang komplikasyon
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
i think the answer is TB or PULMONIA
Answer:
Ang pulmonya ay isang malubhang impeksiyon sa baga. Maraming kaso ng pulmonya ay sanhi ng bakterya o mikrobyo. Ang iba pang mga kadahilanan ay tulad ng fungi, kemikal, at mga gas. Ang pulmonya ay maaari ring lumitaw pagkatapos ng iba pang sakit, tulad ng sipon, trangkaso, o brongkitis. Ang mga matatanda at mga taong may pangmatagalang problema sa kalusugan ang mga mas nasa panganib.
Explaination:
Malusog na Baga
Ang hangin ay naglalakbay papaloob at papalabas ng baga sa pamamagitan ng mga tubo na tinatawag na airways.
Ang mga tubo ay may mas maliit na sangay na daanan na tinatawag na bronchioles. Ang dulo ng mga ito ay mga hugis lobo na sac na tinatawag na alveoli.
Ang mga daluyan ng dugo na nakapalibot sa alveoli ay sumisipsip ng oksiheno papunta sa dugo. Kasabay nito, inaalis ng alveoli ang carbon dioxide mula sa dugo. Ang carbon dioxide ay hinihinga palabas pagkatapos nito.
Kapag Mayroon Kang Pulmonya
Ang pulmonya ang nagiging sanhi ng pamumuno ng labis na uhog at pamamaga ng bronchioles at alveoli.
Ang pag-ubo ang maaaring maging tugon ng iyong katawan. Ito ay makakatulong sa paglabas ng fluid.
Ang fluid (o uhog) na naiubo ay maaaring maging berde o madilim na dilaw.
Ang labis na uhog ay maaaring magdulot ng kapos na paghinga.
Ang pamamaga ay maaaring magdulot sa iyo ng lagnat.
Ano Ang Mga Sintomas?
Ang mga sintomas ng pulmonya ay maaaring dumating nang walang babala. Sa una, maaaring sa iyong tingin ay mayroon kang sipon o trangkaso. Ngunit ang mga sintomas ng pulmonya ay maaaring mabilis na lumala. Mga karaniwang sintomas ay gaya ng sumusunod:
Matinding pag-ubo na may walang tigil na pagsumpong
Lagnat at panginginig
Pag-ubo na may uhog
Kapos na paghinga
Pagbilis ng pulso
Pananakit ng dibdib o kakulangan sa ginhawa kapag humihinga o umuubo.