ito ay tumutukoy sa kalayaang magnais o hindi magnais. A.kalayaang b.kalayaang gumusto c.panloob na kalayaan d.panlabas na kalayaan
Home
/
ito ay tumutukoy sa kalayaang magnais o hindi magnais. A.kalayaang b.kalayaang gumusto c.panloob na kalayaan d.panlabas na kalayaan
Verified answer
Sagot: B. Kalayaang gumusto
Paliwanag:
Kalayang gumusto
Tinutukoy ito mismo sa panloob na kalayaan ng kilos-loob.
Ano ang ibig sabihin ng Panloob na Kalayaan?
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ito ay nakadepende o nakasalalay sa kilos-loob ng tao o natin. At ang isa pang pagtukoy na ito bukod sa kalayaan gumusto ay ang kalayaang tumukoy. Ang kahulugan o ibig sabihin ng kalayaang tumukoy ay pagpapakita kung ano ang nanaisin.
Ang ating kalayaan ay mahalagang aspeto sa ating buhay. Kung saan mayroon tayong kakayahan na makapili na nakaayon sa ating kilos-loob kung ano ang dapat nating tatahakin. Nakapende sa ating kalayaan kung ano tatahakin natin na desisiyon o pagkilos sa isang partikular na kalagayan. Isa pa, mayroon tayong karapatan o kapangyarihan na magpakita ng aksyon may kaugnayan sa ating gagawin, pagsasalita, pagpigil at marami pang iba. At ang kalayaan ay ipinagkaloob mismo sa ating ng Diyos.
Pero isipin rin natin na ang paggamit ng kalayaan ay may limitasyon sapagkat may mga sinusunod tayong batas na kaugnay nito. May hangganan ang mga bagay-bagay pero mahalaga na pagkaisipan natin ang mga bagay na nauukol sa kabutihan ng lahat.
Magtungo pa sa mga link na ito:
Ang kahulugan ng panlabas na kalayaan: brainly.ph/question/1893313
Ang kahulugan ng salitang kalayaan: brainly.ph/question/973264
#BrainlyEveryday