(ito po ang story ☟︎︎︎☟︎︎︎☟︎︎︎) Kayamanan ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamalaking populasyon. Ito ay itinuturing na isang kayamanan, ang yamang tao (human resources). Noong 1570, tinatayang kalahating milyon ang populasyon ng bansa na noo'y nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Noon namang 1591, naitala ang populasyon sa 667,612 batay sa bilang ng mga nagsisipagbayad ng buwis sa mga encomienda. Tinatayang 1,502,574 ang naging populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng madla. Noong 1896, ibinatay ang muling pagtataya sa populasyon sa ginawang census ng mga Kastila buhat noong taong 1877. Sa kabuoan, ang populasyong nakuha ay mahigit anim na milyon na may taunang paglaki sa bilis na kalahating bahagdan mula noong census ng 1887. Bumilis ang paglaki ng populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng nakararami. Napigilan ang pagkalat ng mga epidemya ng kolera, bulutong at salot nang itatag ang Kawanihan ng kalusugan at Paglilingkod Kuwarentenas. Ang mga mamamayan ay natuto ng wastong pangangalaga sa kalusugan at kalinisan. Sa pag-alis ng mga Amerikano noong 1948, tinatayang 19,234,182 ang dami ng mga Pilipino. Lumaki ang populasyon ng Pilipinas habang lumilipas ang panahon. Mula noong 1970, ang populasyon nating 36.7 milyon ay umabot sa 48.39 milyon noong 1980. Ang antas ng pamumuhay noon ay tumaas din.
A. Ngayon naman ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong batay sa tekstong iyong binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sa akda, ano ang tinutukoy ng kayamanan ng Pilipinas?
2. Ilan ang populasyon ng pilipinas noong taong 1570?
3. Ano ang naging bunga ng pagkatatag ng kawanihan ng kalusugan at Paglilingkod Kwarentenas?
4. Ano ang pinakamataas na populasyon naitala na may pinakamataas na bahagdan ng pagtaas ng populasyon?
5. Ano-ano ang napigil ang epidemiya?
nonsense répórt
correct answer braínléss
Share
Answer:
========================
========================