IV. Repleksiyon Malaki ang papel na ginagampanan ng katapatan sa buhay ng tao sapagkat minsan ito ay naging basehan ng respeto na nakukuha natin sa ating kapwa Ang taong matapat ay mapagkakatiwalaan tanda ng dalisay na puso ng isan nilalang subalit kapag tayo ay tumaliwas sa katapatan kabaligtaran sa mga nabanggit ang ating mapapala natin mula sa ating kapwa Ang katapatan ay maaring maipakita sa pamamagitan ng salita at gawa kaya naman sa araw-araw nating pamumuhay ay nakikibaka tayo upang sikaping maging totoo sa ating sarili. Sa kabataan na tulad mo ay mahalagang maikintal sa iyong puso't isipan ang pagsasabuhay ng katapatan na maging gabay upang maging isang makatwirang indibidwal na nilikha ng Diyos upang isabuhay ang kabutihan Bilang isang kabataang tulad mo paano mo isabuhay ang katapatan sa salita at gawa? Ang batayan ng iyong sagot ay nakasaad sa rubrik sa ibaba.
Share
Explanation:
sana makatulong:)
but correct me if im wrong:)