IV.
Pagtataya
Panuto: Ipaliwanag ang mensahe sa mga sumusunod na talinghaga.
1. Ang nauuna ay nahuhuli, at ang nahuhuli ay nauuna.
Paliwanag:
2. Ang kalahating kasinungalingan at kalahating katotohanan ay buo pa rin na kasalanan.
Paliwanag:
3. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Paliwanag:
4.Kung anong bukambibig, siyang laman ng dibdib.
Paliwanag:
5. Kung may itinamin may aanihin.
Paliwanag:
Share
Answer:
1. Ang mga tao naka-aangat ay bumababa dahil na rin sa pagiging mayabang at ang mga taong mababa ay umaangat dahil sa pagpupursige.
2. Ang pagsisinungaling, purong kasinungalingan man o hindi ay kasinungalingan parin at isang kasalanan.
3. Ang ating Diyos ay nagbabantay at gumagabay palagi sa atin. Pero, hindi lamang tayo dapat umasa sa diyos upang magawa ang ating mga gusto. Kaya, “nasa tao ang gawa”.
4. kung ano ang lagi mong sinasabi ay siya ring palagi mong nararamdaman o nasa puso.
5. Kung ikaw ay tumulong sa kanila, sa panahon ng kagipitan ay tutulungan ka rin nila