iyong pamilya
Learning Task 1: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI
naman kung hindi.
1. Agad na sumunod si Ben nang malaman ang mga batas na nagbabawal sa
paglabas ng mga batang labinlimang taong gulang pababa nang mapanood niya ito
sa telebisyon.
2. Hindi mo ginawa ang iyong proyektong mangalap ng mga batas
pangkalusugan dahil wala kayong internet.
3. Tinulungan mo si Analie dahil naintindihan mo ang kalagayan ng kaniyang
pamilya na hindi nila kayang makabili ng computer at alam mong gustong gusto
niyang matuto sa paggamit nito para sa kaniyang proyekto.
4. Hindi mo pinansin si Mabel na gustong makigamit ng iyong computer dahil
abala ka rin sa paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong mahuli ka sa pagpapasa sa
inyong guro.
5. Lumapit si Mila sa isang kamag-aral na may computer sa bahay at
magpapatulong siya kung paano ito gamitin upang magawa ang proyektong may
kinalaman sa batas ng pangangalaga sa kalinisan ng kanilang barangay.
6. Hindi ka na lang kumibo at gumawa ka na lang ng paraan ng sabihing hindi
ka maibibili ng gadget ng iyong magulang na gagamitin mo sa iyong proyekto.
7. Ipinagwalang bahala ni Kriezel ang proyektong ibinigay ng kaniyang guro
dahil hindi siya marunong gumamit ng gadget kahit gusto siyang tulungan ng kaniyang
kapatid
8. Isa sa mga pinag-aralan ninyo sa inyong aralin ay ang mga batas
pangkalusugan, Agad mo itong sinaliksik gamit ang cellphone na hiniram mo sa iyong
kuya.
9. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaklase kung paano ang gagawin niya
upang matapos ang kaniyang proyekto sa pagsasaliksik ng mga batas
pangkapayapaan at alam mo ang gagawin ngunit hindi mo siya ginabayan.
Share
Answer:
1.Tama
2.Mali
3.Tama
4.Mali
5.Tama
6.Mali
7.Mali
8.Tama
9.Tama