* JR 5% 25, 2 THG 12 25 DA, PAUL • E5 E51 52 ICS I3-3 472 - - 57 75 cmks11!=357 11:32 = Gawaing Pagkatuto Bilang 4. Basahin at suriin ang debate. Sagutan ang
mga tanong sa ibaba.
Paksa: Edukasyon o kayamanan
Edukasyon: Ang kailangan ng lahat ng tao ay edukasyon. Ito'y isang tulay upang
maabot mo ang ambisyon. Kailangan nating sumabay sa takbo ng panahon. Mahirap
maging mangmang at walang alam. Ang edukasyon ay masasabi na ring kayamanan
na hindi mauubos dahil nakalagay sa iyong isipan.
Kayamanan: Ang mahalaga sa daigdig na ito ay kayamanan. Di ba't mas mainam
kung maraming perang nahahawakan? Ang sobrang pag-aaral ay pahirap lang sa
katawan. Pinahihirapan nang husto ang sarili 'di naman yayaman.
Sagutan ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang paksa ng debate?
2. Ayon sa paksa, bakit kailangan ang edukasyon?
3. Paano naging mahalaga ang kayamanan?
4. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang gusto mong makamit balang araw, edukasyon o
kayamanan? Bakit?
5. Paano mo maisasakatuparan ang nais mo balang araw?
Share
0 Replies