"Kabayanihan ni Enteng" Noong Hulyo 12, 2000, isang kagimbal gimbal na trahedya ang nangyari sa Payatas sa Lungsod ng Quezon Umabot sa halos 12,000 naghihikahos na pamilya ang napinsala nang gumuho ang dambuhalang bundok ng basura. Tinatayang umabot sa 217 tao ang namatay sa pangyayaring ito at maraming pamilya ang nawalan ng bahay. Ang mga pangyayaring ito sa Payatas ay nagpakilala sa kabayanihan ng isang batang bayani na si Vicente "Enteng" Tagle. Nang mangyari ang trahedya, si Enteng ay sampung taong gulang pa lamang. Si Enteng at ang kanyang pamilya ay nakatira sa tambakan ng basura. Dahil sa kahirapan ng buhay, namulat siya sa maagang pagtatrabaho. Ngunit kahit salat sa maraming bagay ang bata, mulat si Enteng sa kahalagahan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pamilya at kapuwa. Panganay siya sa anim na magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina Rosalinda na dating tumutulong sa isang day care center at Stimson na isang construction worker. Nang mangyari ang pagguho ng bundok ng basura, agad na naisip ni Enteng na kailangang maging ligtas ang kanyang isang taong gulang na kapatid. Kaya sa gitna ng pagkakagulo ng mga tao, mabilis niyang pinuntahan sa kwarto ang kapatid. Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid habang naririnig nila ang nakakabinging pagguho ng bundok ng mga basura. Pagkaahon nila ay tuluyan nang gumuho ang kanilang bahay. Pagkatapos ay narinig naman ni Enteng ang pag-iyak ng isang walong taong gulang na bata na si Kikay, ang kanyang kalaro na natabunan na ng mga guho. Noong Setymbre 2002, isa si Enteng sa itinampok sa Reader,s Digest Everyday Heroes bilang "The Little Rescuer". Siya ang kauna-unahang Pilipinong napabilang sa Everyday Heroes. Kahanga-hangang isipin na ang isang batang katulad ni Enteng ay nakapagligtas ng buhay ng mga kapuwa rin niya bata. (Sanggunian: Alab Filipino 5, pahina 228-229.) Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel o kwaderno. 1. Paano naipamalas ni Enteng ang kabayanihan sa kwento? 2. Kung ikaw si Enteng, gagawin mo rin ba ang katulad ng ginawa niya? 3. Bilang isang bata sa ikalimang baitang, sa paanong paraan ka maaring magpamalas ng kabayanihan sa ating bayan?
Share
1.nag pakilala sa kabayanihan ng isang bata na si Vicente.
2.yes po
3. sa pagtulong sa kapwa
Explanation:
Sana po makatulong di po ako nang gagaya ng answer promise hope to died at yaan lang din po Ang Kaya ko po thanks