kaganapang sa
buhay ni Andres Bonifacio
Share
kaganapang sa
buhay ni Andres Bonifacio
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Explanation:
si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa. Siya ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino“ at kilala sa tawag na Supremo.
Si Bonifacio ay hindi ipinanganak na mahirap. Ang kanyang ina ay half-Spanish at may sarili siyang tagaturo. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang buhay nang pumanaw ang kanyang mga magulang noong 14 na taong gulang siya dahilan upang matigil siya sa kanyang pag-aaral. Sa kabila ng kanyang kakulangan sa pormal na edukasyon, tinuruan niya ang kanyang sarili na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog, na naging dahilan upang makakuha siya ng trabaho bilang clerk-messenger sa isang kompanyang Aleman. Sinasabing interesado si Bonifacio sa klasikong kanluraning rasyonalismo at mahilig magbasa ng mga gawa nina Victor Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Siya ay nagkaroon ng isang malalim na interes sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng Estados Unidos dahilan upang makakuha siya ng isang mahusay na pag-unawa sa mga socio-historical na proseso. Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng kanyang mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982 sa layuning pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa.
Paglabas ng Katipunan
Apat na araw pagkatapos ng pagkatatatag ng Liga, noong Hulyo 7, 1892, itinuloy ni Andres Bonifacio ang pakikibaka at nabuo ang Kataastaasan Kagalanggalang Ang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Maynila.
Ito ay sa kabila ng pagdakip at pagpapaalis ng nga Espanyol kay Jose Rizal isang araw ang nakararaan. Sa isang maliiit na kuwartong naiilawan lamang ng isang lampara isinagawa ang sandugo kung saan ang mga kasapi ay pumirma mula sa dugo ng kanilang mga bisig na sumisimbolo sa kapanganakan ng Katipunan. Ang sandugo ay isang pangako rin ng pag-ibig at kapatiran sa bawat kababayan. Naniniwala ang mga Katipunero na makakamit lamang ang tunay na kaginhawaan at kalayaan kung ang mga tao ay may mabuting kalooban para sa bawat isa. Dahil dito, ang Katipunan ay hindi lamang isang organisasyong may layuning patalsikin ang imperyong Espanyol, ngunit nais nito ang tunay na pagkakaisa sa isip at puso ng mga Tagalog sa ilalim ng isang Inang Bayan na naghahanap ng maliwanag at tuwid na landas.
Pagkatapos ng dalawang Supremo ay sumang-ayon sa wakas ang mapagpakumbabang si Bonifacio na maging Supremo ng Katipunan.
Related Topic: Kartilya ng Katipunan (Katipunan Code of Ethics)
Ang Sigaw ng Caloocan
Natuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan noong Agosto 19, 1896. Nakatakas si Bonifiacio at marami pang mga Katipunero sa Manila mula sa paghahanap ng mga Espanyol at humantong ang kanilang pagtakas patungo sa isang baryo sa Caloocan, Balintawak. Armado lamang ng bolo, sibat, paltik, at ilang mga lumang Remington rifle, nagpulong ang mga Katipunero noong Agosto 24, 1896. Ang pulong ay isang magandang simula at dinaluhan ng 500-1,000 katao. Ang kabanata na ito ng rebolusyon ay tinatawag ngayong “Ang Sigaw sa Balintawak” at kilala rin sa tawag na “Ang Sigaw ng Pugad Lawin”.
Sa kalagitnaan ng pulong, bumulusok sa gulo ang debate sa pagitan ng Katipunerong salungat at doon sa pabor sa pag-aalsa. Sa gitna ng kanyang galit dahil sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng kanyang mga tao ay binigkas ni Bonifacio ang mga katagang ito:
"Kalayaan o kaalipinan? Kabuhayan o kamatayan? Mga Kapatid: Halina't ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling Kalayaan "
Pagkatapos nito’y pinunit ni Bonifacio ang kanyang cedula at sumigaw ng “Mabuhay ang Katipunan!”. Ang pagsuway na ito sa mga Kastila ay naging isa sa mga pinakamainam sa araw sa kasaysayan ng Pilipinas.
Digmaan sa Pinaglabanan
Noong Agosto 30, 1896, pinamunuan ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang pagsalakay sa El Polvorin sa San Juan na siyang imbakan ng pulbura at istasyon ng tubig. Bagamat ang lugar na ito ay maiging binabantayan ng mga armado at bihasang kawal ng Espanyol, nagawa itong makuha ng mga Katipunero. Higit sa 150 na mga Katipunero ang nasawi sa laban, ngunit ang balita ng kanilang tagumpay ay umalingawngaw sa buong archipelago. Ang bayan ng San Juan del Monte ay naging isang pambansang simbolo ng pagkakaisa, kalayaan at isang banal na lugar ng lakas ng loob ng mga Pilipino.
Andres Bonifacio: Ang Dakilang Supremo ng Katipunan
Karapatang-ari ng Children's Communication Center
1981
Sa mga Guro at Magulang
Mahirap lang si Andres Bonifacio. Maagang namatay ang kanyang mga magulang kaya hindi siya nakatungtong sa mataas na paaralan. Pero hindi ito naging hadlang para makatulong siya sa kanyang mga kababayan. Sa halip, kahirapan ang nagtulak sa kanya para ipaglaban ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino. Nagtatag siya ng rebolusyonaryong samahang tinawag na Katipunan para maghimagsik laban sa mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Dahil sa Katipunan, nabigkis ang pagkakaisa ng samabayanang Pilipino.
Minahal at pinaglingkuran ni Andres Bonifacio ang sambayanang Pilipino. Nagpakasakit siya alang-alang sa kalayaan. Magagawa din kaya natin mahalin ang ating kababayan at magpakasakit para sa kalayaan? Isinasalaysay sa librong ito ang buhay ni Andres Bonifacio para mag-silbing inspirasyon at mapaghanguan ng aral ng mga bata.
Ang Kuwento
Kung pupunta ng Maynila galing sa hilaga, tiyak na madadaan ang matayog na monumento ni Andres Bonifacio sa lunsod ng Kalookan. Makikita sa monumento ang larawan ng kaapihan at paghihimagsik ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ang monumentong ito ay sagisag ng kabayanihan ni Bonifacio at ng kangyang mga kasamang rebolusyonaryo.
Alam ba ninyo na bata pa lamang si Bonifacio nang mamatay ang kanyang mga magulang? Dahil dito, huminto siya sa pag-aaral at nagtrabaho para mabuhay silang makakapatid. Nagtinda siya ng mga baston at pamaypay. Nagtarbaho rin siya sa mga kompanya ng dayuhan. Kahit nagtatrabahong bodegero ay di siya nagtigil sa paggawa at pagtitinda ng baston at pamaypay.
Kahit mahirap lang, pinilit ni Bonifacio na matuto sa kanyang sariling pagsisikap. Nag-aral siya ng Espanyol at nagbasa ng libro. Mahilig din siya sa mga dula at pagtatanghal kaya gumanap siya sa mga dulang moro-moro. Nagtatag sila ng kanyang mga kaibigan ng isang samahan sa dula, ang Teatro Porvenir.
Aktibo si Bonifacio sa kilusang makabayan. Nang lumaganap ang Kilusang Propaganda, madali niyang naunawaan ang mga layunin nito. Sumapi siya sa samahan ng mga Mason at pagkaraan ay sa La Liga Filipina. Nang mamatay ang Liga, naisip ni Bonfacio na hindi reporma kundi rebolusyon ang makababago ng kalagayan ng Pilipinas.
Isang gabi, nagpulong sina Bonifacio at iba pang makabayang Pilipino para itatag ang isang lihim na samahan. Tinawag itong "Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" o Katipunan. Layunin ng Katipunan na maghimagsik laban sa Espanya at palayain ang Pilipinas. Si Bonifacio ang naging Supremo ng samahan.
Habang pinamumunuan ang Katipunan, nakilala ni Bonifacio si Gregoria de Jesus. Niligawan niya si Gregoria at di nagtagal ikinasal sila sa simbahan ng Binondo. Muli silang ikinasal alinsunod sa alituntunin ng Katipunan. Sumapi si Gregoria sa samahan noon din. Siya ang nangalaga sa mga dokumento, baril at iba pang mahalang kagamitan ng Katipunan.
Natuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan, kaya tumakas sina Bonifacio at ibang kasamahan. Nagtipon-tipon sila sa Pugadlawin at doon ay ipinasiya nilang simulan na ang himagsikan. Sa labanan sa San Juan, umurong sina Bonifacio dahil sa lakas ng kalaban. Pero kahit nabigo ang kanilang unang pagsalakay, mabilis namang kumalat ang rebolusyon.
Samantala, sumikat naman si Emilio Aguinaldo bilang lider ng mga Katipunero sa Cavite. Laging panalo sa labanan ang kanyang hukbo kaya maraming humanga kay Aguinaldo. Dito nag-umpisa ang di pagkakasundo ng mga Katipunero sa Cavite. Nahati sa dalawang pangkat: ang pangkat Magdiwang at pangkat Magdalo.
Nagdaos ng kumbensiyon sa Tejeros, Cavite ang dalawang pangkat ng mga Katipunero. Bilang Supremo ng Katipunan, si Bonifacio ay tumayong tagapangulo sa kumbensiyon. Nagkaisa silang lahat na igagalang ang anumang mapagkasunduan sa kumbensiyon. Itinatag muna nila ang republika ng Pilipinas at pagkaraan ay nagdaos ng halalan.
Nahalal na pangulo ng republika si Aguinaldo kahit wala siya sa kumbensiyong iyon. Pero nang mahalal na Direktor ng Interyor si Bonifacio, isang Magdalo ang tumutol. Diumano, hindi dapat sa posisyon si Bonifacio dahil wala siyang pinag-aralan. Sa galit, pinawalang-bisa ni Bonfacio ang lahat ng napagkasunduan at agad na umalis.