kahalagagan ng CBDRRM
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
ANO ANG KAHALAGAHAN NG COMMUNITY –BASED DISASTER AND RISK AND MANAGEMENT
Dapat maging handa ang mamamayan sa mga kalamidad na darating kagaya ng:
• Pagbagyo, pagbaha, at abnormal na pagtaas ng tubig (storm surge)
• Paglindol at tsunami
• Pagputok ng bulkan
• El Niño at La Niña
Ang community- based based disaster reduction and risk management ay isang paraan upang maging handa ang mamamayan sa banta ng kalamidad. Mga kalamidad na maaring makapinsala ng buhay.
ANO ANG KAHALAGAHAN NG COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT?
1. Maging handa ang mga mamamayan sa pagtukoy sa mga banta at kalamidad sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagtukoy,pagsuri, pagtugon, pagsusubaybay at pagtataya ng mga risk na maari nilang maranasan.
2. Dahil sa CBDRM nagiging handa ang komunidad na maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian.
3. Dahil bahagi ang mamamayan sa pagpaplano at pag buo ng desisyon sila rin ay kasapi sa implementasyon sa mga Gawain na may kaugnayan sa disaster risk management. Sila ay nagiging isang matalinong mamamayan sap ag sugpo ng maaring mangyaring sakuna. At maiwasan ito kung nararapat.
4. Sa pamamagitan ng DBDRM binibigyan ang tao ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad.
BAKIT MAHALAGA ANG PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN SA CBDRM
Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad
Maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian ng pamayanan
Mabigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sector ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakakaranas ng kalamidad.
Halimbawa: Kung ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad hindi na dapat mag hintay pa ng tulong nasa itaas maaring ang maaring agad-agad ng tugunan ng pambayan o pang lunsod na pamahalaan. Magiging matagumpay ang rehabilitation efforts kung mayroong aktibong partisipasyon ng mga local na pamahalaan at mamamayan.