kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng tao.
Home
/
kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng tao.
kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng tao.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Napakailangan ng edukasyon para sa bawat isa upang mapabuti ang kaalaman, paraan ng pamumuhay pati na rin ang katayuang panlipunan at pang-ekonomiya sa buong buhay. Tinutulungan nito ang isang tao na makakuha ng kaalaman at pagbutihin ang antas ng kumpiyansa sa buong buhay. Malaki ang papel na ginagampanan nito sa paglaki ng ating karera pati na rin sa personal na paglago.
Explanation:
Ang Kahalagahan ng Edukasyon ng Tao
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sapagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay nanatutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat naedukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science,English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mgamamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap parasa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mgainaasam na mga mithiin.Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharapat sa kinabukasan.
Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rinang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Angkanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sakanilang pagtanda.
CAN YOU PICK THIS COMMENT BRAINLIEST ANSWER PLEASEE✨
I TRY MY BEST TO ANSWER YOUR QUESTION CAREFULLY RIGHTFULLY AND✨ HONESTY SO YOU GET THE PERFECT ANSWER ✨
HAVE A GOOD DAY...✨
BE MY FOLLOWER✨