kahalagahan ng independence
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Mahalaga ba ang Araw ng Kalayaan para sa kabataan? Ito ba ay nakakatulong para sa pag-aaral ng mga kabataang Pilipino? Para sa akin napakalaking tulong nito hindi lang dahil tuwing Araw ng kalayaan walang pasok kundi dahil ito ay ang kalayaan ng Pilipinas. Kung saan lumaya ang ating bansa noong Hunyo 12, 1898. Ito ay nakatulong sa mga bata dahil naaalala nila kung saan nakalaya ang Pilipinas sa mga sumakop dito.
Kung hindi tayo nagkaroon ng kalayaan sa iba na ang mga kultura natin pero dahil sa mga sumakop sa atin marami rin silang naibigay na iba’t ibang kultura na nakatulong sa atin tulad ng mga relihiyon, mga gamit tulad ng damit, iba’t ibang mga potahe ng mga pagkain na masarap, mga iba’t ibang eskwelahan na naipatayo sa ating bansa na sikat na eskwelahan ngayon at iba pang estraktura. Para sa akin kahit nasakop tayo ng ibang bansa nakatulong minsan hindi natin maipagkakait na nakatulong rin sila sa mga bagay-bagay.
Napakahalaga ng kalayaan para sa akin kasi ito ay malaking tulong sa iba’t ibang klase tulad na ito ay nakatulong sa pag-aaral sa pamamagitan na ito ay pinag-aaralan dahil ito ay nasa kasaysayan. Kung wala ang mga bayani at ang iba pang tumulong sa atin para makamit ang kalayaan siguro tayo ay sakop pa rin ng mga bansa na masmalakas kaysa sa atin. Kaya ang kalayaan ng isang bansa ay napakahalaga.
Hanggang ngayon marami pa rin akong natututunan tungkol sa ating kalayaan o sa kasaysayan ng Pilipinas at siguro sa mga susunod na taon marami parin akong matututunan. Ito ang aking opinyon tungkol sa kalayaan natin kung ito ba ay mahalaga o hindi. Sa akin ito ay mahalaga hindi dahil ito ay araw na walang pasok kundi dahil ito ay mahalagang araw. Eh kayo ito ba ay mahalaga o hindi.
Answer:
mahalaga ang araw ng independence day dahil dito nagugunita natin ang mga sakripisyo ng mga bayani natin upang mapalaya lamang ang ating inang bayan sa malulupit na mananakop.