kahulugan ng ditsong
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang ibig sabihin ng ditso ay mga linya sa dula. Ito ay tumutukoy sa "script" ng dula.
Explanation:
eupemistikong pahayag
ang eupemistikong pahayag ay ang pagpapalit ng salitang magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim,bulgar, o malaswa na tuwirang nakakapanakit ng damdamin o hindi maganda sa pandinig. ito rin ay nagbabago sa mga palasak o negatibong pahayag at ipinararating ang diwa sa pinakamaamo at mabait.
mga halimbawa ng eupemistikong pahayag:
1.pantay na ang paa ng aking alaga. (patay na)
2.mababait ang mga kasambahay. (katulong)
3.maanghang ang dila ng aking kaibigan. (madaldal)
4.ibinaon sa hukay ng aking matalik na kaibigan ang aking ikwenento. (kinalimuta/kalimutan)
5.butas na naman ang aking bulsa sapagkat marami akong gusto. (walang pera.
6.hindi makati ang aking paa. (mahilig sa gala)
7.may mga tao talagang maitim ang dugo. (salbahe)
8.mahirap magtiwala lalo't na hindi mo alam kong sino ang balik-harap sa mga nakapaligid sayo. (mabuti sa harapan taksil sa likuran)
9.kanina pa mahapdi ang aking bituka, (nagugutom)
10.huwag mong iwan ang mga mahahalagang gamit sayo sapagka't may mga taong mabibilis ang kamay. (mandurokot)
hikahos sa buhay = mahirap
“mas marami ang mga hikahos sa buhay ngayon dahil sa inflation at mga proyekto ng administrasyon na lalong nagpapayaman lamang ng mga burgis at korporasyon.”
“hikahos sa buhay ang marami sa mga manggagawa dahil marami sa kanila ay hindi nababayaran nang tama, mga kontraktwal, at pinababayaan sila ng mga kapi talis tang wa lang pu so sa kanyang mga tao.”
magulang = maraya
“masyado nang magulang ang mga kapitalistang hindi na nga ini-regular ang kanilang mga manggagawa, binubugbog pa at ipinahaharas sa mga pulisya.”
lumulusog = tumataba
“kapag sinabi ng tita mo na tumataba ka na, ang sabihin mo na lang ay lumulusog ka dahil umaasenso ka na at wala naman kamong masamang lumusog dahil hindi naman pagkain niya ang kinakain mo."
balingkinitan = payat
“hindi dapat maging balingkinitan para lang masabing sexy. ang pagiging sobrang balingkinitan ay resulta rin ng hindi magandang diet.”
tinatawag ng kalikasan = nadudumi
“tinatawag na ako ng kalikasan. wala bang c.r. dito? ”
“bakit ka nagmamadaling makauwi? tinatawag ka ba ng kalikasan? ”
sumakabilang-bahay = may kabit
“kahit pa sumakabilang-bahay ang ama, may tungkulin at mga obligasyon pa rin ito sa orihinal niyang pamilya.”
“ang tsismis dito sa barangay ay sumakabilang-bahay na ang nanay nila, ang hindi nila alam ay kinukuha itong labandera sa halos buong compound kaya laging wala sa bahay.”
kasambahay = katulong
“ito ang aming kasambahay, sir. ikukuha ko siya ng sss, philhealth, at pag-ibig.”
“huwag mong nila-lang-lang ang mga kasambahay. napakamarangal ng trabaho nila at kung wala sila, ang isang pamilyang nangangailangan nito ay mahihirapan maging maayos sa bahay at buhay.”
mapili = maarte o pihikan
“pihikan ka ba sa pagkain o busog ka na? ”
“hindi ako pihikan sa pagkain. pihikan akong pumili ng kasintahan.”
malikot ang isip =
masyadong maraming imahinasyon
“ang galing ng nakaisip ng pelikulang ito. malikot siguro ang isip ng sumulat ng kwento.”
“kailangan ko ng malikot ang isip para maganda ang graphics ng website ko! ”
may amoy = mabaho
“may amoy na ang ulam. huwag nang kainin.”
“hindi ko gusto ang sumakay ng train dahil may amoy ito lalo na sa hapon.”
ibaon sa hukay = kalimutan na
“ibaon mo sa hukay para walang makaalam.”
“ibinaon mo na yata sa hukay ang birthday ko.”
balat-sibuyas =
pikon, sensitibo, madaling mapaiyak
“huwag mong asarin iyan. balat-sibuyas iyan! ”
“hindi dahil balat-sibuyas siya ay hindi niyo na siya pagsasabihan. paano siya matututo? ”
butas na ang bulsa = wala ng pera
“butas na ang bulsa ko, besh. tama na foodtrip araw-araw.”
“hindi ako sasama sa outing dahil butas na ang bulsa ko.”
halang ang bituka = masamang tao
“halang ang bituka ng ilang kapulisang humuli ng mga tambay.”
“kapag halang ang bituka ng pinuno, nagiging diktadurya ang sistema dahil gusto niya sunod-sunuran ang lahat sa kanya.”
mabilis / makati ang kamay = magnanakaw
“ang mga pulitiko pa ang mas madalas na makakati ang kamay.”
“makati ang kamay ng taong iyon kaya siya nasa rehas.”