Kaiba sa iyong mga natutunan sa pag-aaral ang ilang mga
paniniwala ng iyong mga kanayon, paano mo kaya sila iwawasto ?
Share
Kaiba sa iyong mga natutunan sa pag-aaral ang ilang mga
paniniwala ng iyong mga kanayon, paano mo kaya sila iwawasto ?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1. MGA MAKRONG KASANAYAN PAKIKINIG PAGSASALITA PAGBASA PAGSULAT
2. Panimula Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
3. Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
4. Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika? Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag- iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase. Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.