Kailangan natin ng mga katanungan upang mas lalo nating maintindihan ang mga kwento at pangyayari tungkol sa salaysay na ating binasa o napakinggan. Ginagamitan ito ng Sino, Kanino, Ano, Kailan, Saan, Paano at Bakit sa unahan ng
pangungusap.
Ginagamit ang:
Sino at Kanino para sa tao.
Ano para sa bagay, hayop, katangian, pangyayari o ideya.
Kailan para sa panahon at petsa.
Saan para sa lugar.
Paano para sa paraan.
Bakit para sa dahilan.
Narito ang salaysay ng batang lalaki.
Alas tres ng hapon, nakita kong umakyat ng bubong ng kapitbahay ko ang magnanakaw na may suot na puting jersey. Paglabas nya ay may dala na syang bag na puno ng kagamitan. Pagkatapos,dali-dali siyang sumakay sa itim na van at saka umalis. Hindi niya alam na nahagilap siya nang "CCTV Camera". Agad itong inireport sa estasyon sa agarang pag-aksyon sa nangyari.
Panuto: Mula sa napakinggang salaysay, bumuo ng limang tanong tungkol sa tauhan o pangyayari na nagsisimula sa Sino, Kanino, Ano, Kailan, Saan, Paano at Bakit
1.
2
3.
4.
5.
Share
Answer:
1.Sino Ang nakakita sa pangyayari?
2.Kanino Ang bahay na nilooban ng masamang loob?
3.Ano Ang suot ng magnanakaw?
4.Kailan nangyari ang pagnanakaw?
5.Saan sumakay Ang magnanakaw matapos nitong magnakaw?