Kamusta ang pagsagot mo? Nakuha mo ba ang tamang sagot? Magaling! Kung gayon ikaw ay handa na sa pagtalakay ng bagong aralin Ngunit bago ang lahat, muli nating balikan ang Isla ng Mindanao na tinaguriang Lupang Pangako o Land of Promise" Pangalawa sa tatlong malalaking isla na bumubuo sa Pilipinas, bihirang bisitahin ng bagyo at maliban dito ay busog sa mga likas na yaman at pangunahing produkto, at higit sa lahat ang Mindanao ay puno ng mga makukulay na kuwento na nakakubli sa angking ganda nito. Isa na nga rito ang kuwentong-bayan Ano ba ang kuwentong bayan? Halina't ating muling sariwain Ang kuwentong - hayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap Ngayon, ay may alam ka na kung ano ang kuwentong-bayan. May alam ka bang kuwentong bayan na mula sa Pilipinas? Magaling! Kung gayun, isulat sa grapikong pantulong sa ibaba ang mga nakalap na impormasyon saka sagutin ang mga katanungan sa ibala KUWENTONG BAYAN Do
Share
Answer:
opo at marame ako natutunan