1. Ang nga arkipelago/kapuluang bansang nakaharap sa karagatang pasipiko?
_____________ , ______________
2. Ang bansang may pinakamalaking talampas, o ang kapatagan sa itaas ng bundok.
__________________
3. Ang mga mahalagang ilog sa China ay..
____________ at _________
4. Ang uri ng damuhan na may ugat na mababaw, na makikita sa mongolia at manchuria.
5. _________ ang pinagsamang damuhan sa Thailand at myanmar.
6. _________ Ang uring kagubatang makikita sa timog silangang asya.
7. Ang damuhang may mataas na malalim ang ugat na matatagpuan sa hilagang asya.
8. ang kagubatang caniferous matatagpuan sa Siberia.
note; Dapat masagutan lahat. thank you in advance.
Share
Verified answer
ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG
Mga Kasagutan:
1. Ang Pilipinas ay ang bansang arkipelago o kapuluan na nakaharap sa karagatang Pasipiko. Sa kasalukuyan, mayroon nang naitatalang 7,641 na isla ang bansa kumpara sa 7,107 na isla na nakasanayang alam ng mga Pilipino.
2. Sa Gitnang Asia matatagpuan ang pinakamalaking talampas sa buong mundo. Makikita ito sa mga bansang Tibet, China at India kaya tinawag itong Tibetan Plateau. Tinuturing din itong "Ang Bubong ng Daigdig" dahil sa lawak nito na umaabot sa 2.5 milyong kuwadradong kilometro.
3. Ang dalawang mahahalagang ilog na matatagpuan sa bansang China ay ang Dilaw na Ilog o Yellow River sa hilagang China at Ilog Yangzi o Yangtze River sa timog China dahil malaki ang naging ambag nito sa sibilisasyon ng kanilang mga ninuno noong unang panahon.
4. Ang steppe ay isang uri ng damuhan na may ugat na mababaw na makikita sa Mongolia at Manchuria.
5. Ang savannah ay ang tawag sa damuhan sa Thailand at Myanmar.
6. Ang tawag sa uri ng kagubatan na makikita sa Timog Silangang Asya ay Kagubatang Tropikal.
7. Ang prairie ay mga damuhang may mataas na malalim ang ugat na matatagpuan sa Hilagang Asya.
8. Kagubatang coniferous ang tawag sa mga kagubatang matatagpuan sa Siberia.
Basahin ang tungkol sa mga biome:
brainly.ph/question/18269680
#BRAINLYFAST