Karagdagang Gawain gumawa Ng poster na nagpapakita kung paano natin maipagmamalaki at pahahalagahan ang nasiring kultura sa ibat ibang pangkat etniko
Share
Karagdagang Gawain gumawa Ng poster na nagpapakita kung paano natin maipagmamalaki at pahahalagahan ang nasiring kultura sa ibat ibang pangkat etniko
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Gabay sa Pagbuo Mo ng Poster:
Kultura
Bakit ito mahalaga?
Mahalaga ang kultura sapagkat ito ang nagbibigay sa atin ng sariling pagkakakilanlan. Ito ay natatangi lamang sa mga grupo ng tao sa isang bansa. Ipinapakita nito ang mayaman nating kasaysayan at imahinasyon ng ating ninuno. Layunin din nitong magbuklod sa atin. Ito rin ang gumagabay sa atin bilang mga mamamayang Pilipino.
Ang kultura ay makikita sa iba't ibang pamamaraan. Ito ay hindi dapat ikahiya at sa halip ay ipagmalaki natin dahil ito ang ating pinagmulan.
Mga halimbawa
Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na kung saan makikita ang repleksyon ng ating kultura bilang Pilipino
Kasuotan - baro't saya at filipiniana
Pambansang pagkain
Fiesta o pagdiriwang
Mga paniniwala
Mga kaugalian
KULTURANG PILIPINO
Ang kultura ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at ang mga katutubong Pilipino. Ang mga awit, sining, kasabihan, kagamitan, at mga selebrasyon ay ilan rin sa mga bagay-bagay na bumubuo ng tinatawag natin na “kultura“. Masasabi na lahat ng lugar sa iba't ibang panig ng mundo ay may kanya kanyang kultura at ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lahi o nasyon.
Kung saan nananatili parin nating pinahahalagahan at ginagawa sa kasalukuyang panahon. Ilan sa mga kulturang Pilipino nanatili sa atin ay ang pagdiriwang ng mga kapistahan at pagdalo sa mga piging.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Bayanihan /Pagtutulungan
Pagiging magiliw sa mga panauhin
Pagkakaroon ng utang na loob
Relihiyoso
Magalang
Pagiging malapit sa pamilya
Pagkakaroon ng positibong pananaw sa hinaharap
Pasensyoso
Pakikibagay sa sitwasyon
Pagmamalasakit sa kapwa
Maipapakita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino kung tatangkilikin at mamahalin natin ang sariling atin. Dapat nating ipagmalaki kung anong kultura ang mayroon tayo. Halimbawa, ang mga antigo o ancient na mga templo o simbahan at iba pang mga istruktura, dapat natin itong pangalagaan at bigyan ng halaga para sa mga susunod pang salinlahi, na siya pang nagiging atraksyon o mga tourist destinations. Sa simpleng paraan na ito, malaki ang magagawa nitong pagpapahalaga hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa ating kultura.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras: https://brainly.ph/question/367721
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras: https://brainly.ph/question/1632933
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras: https://brainly.ph/question/322150
#BRAINLYFAST