katamgian ng parabulang tusong katiwala
Share
katamgian ng parabulang tusong katiwala
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
PARABULA: Ang Tusong Katiwala
Katangian: Ang kwentong ito ay hango sa aklat ni Lukas kabanata 16 talata 1 - 15. Bilang isang parabula, ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga simbolismong tulad ng amo na kumakatawan sa Diyos, ang katiwala na kumakatawan sa mga tao na pinagkatiwalaan ng Diyos na mangalaga sa kanyang kapwa, ang mga taong may pagkakautang sa amo na kumakatawan sa mga taong naglilingkod sa Diyos, at ang mga pagkakautang na kumakatawan sa mga bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.
Ang parabulang ito ay nagtuturo sa tao ng pagiging tapat sa pakikipag - ugnayan sa iba pang mga tao. Ang pagiging tapat ay paggawa ng mabuti na syang nais ng Diyos na gawin natin sa ating kapwa. Sinabi niya na mahalaga ito upang mapatunayan natin ang ating sarili bilang karapat - dapat sa mga bagay na kanyang ipinagkakaloob.
PATUNAY: Ang patunay ng parabulang ito ay ang pagpili natin na maglingkod sa ating kapwa kapalit ng pambabalewala sa kanila. Hindi maaaring maging kapwa matulungin at pabaya ang tao. Katulad ng hindi maaaring maging mabuti at masama ang tao. Kung siya ay magiging tapat siya ay mapagkakatiwalaan ngunit kung siya ay magiging tuso, walang anumang bagay ang maipagkakaloob sa kanya.