katangian ng aktibong mamamayan na may legal na pananaw
Share
katangian ng aktibong mamamayan na may legal na pananaw
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Katangian ng aktibong mamamayan na may legal na pananaw:
1. May paninindigan at may intigridad - Ito ay katangian na kung saan ang isang tao ay may sariling pananaw at paninindigan para sa kabutihang panlahat na kaya niyang ipaglaban kung sakaling baliin ng iba na may masamang intensiyon o impluwensiya, siya pa rin ay pinaninindigan at ginagawa ang tama.
2. Makatarungan – tumutukoy sa paggawa ng mga bagay batay sa kung ano ang tama sa moral at pagiging patas.
3. Makatao – mabait sa kapwa tao, matulungin, at may malasakit sa kapakanan ng iba lalo na sa awtoridad at mga nakakatanda
4. Masunurin – sumusunod sa batas , hindi gumagawa ng paglabag at alam ang mga responsibilidad na kaakibat ng mga karapatang pantao
5. Matapat – ang isang aktibong mamayan ay matapat sa ano mang uri ng aspeto ng buhay sa mula pagiging matapat sa trabaho, matapat sa tungkulin, sa pamilya at pamayanan, at iba pa.
Meron ding sampung katangian ng aktibong mamamayan. Upang malaman ang tungkol dito i-click lang ang link na brainly.ph/question/1258326
Verified answer
Ang isang aktibong mamamayan na may ligal na pananaw ay may pakialam sa kanyang pagkamamamayan. Ito ay ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.Batid niya na ang lipunan ay binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
Ang kanyang pagkamamamayan ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Alam din niya na ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas.
Dapat ay batid din niyang hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito.
At higit sa lahat, naniniwala siya sa Saligang Batas ng bansa dahil to ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
Maaaring makatulong ang link na ito: brainly.ph/question/1271256