kay sarap pagmasadan ang paligid na malinis magmula mga taoy manatili sa bahay at di umaalis ang datiy di mahulugan karayom sa mga kalye ngayon bihira pa makita talad ng isang kabute bughaw na kalangitanat sariwang hangin pagbabagong naganap na di mo aakalain suntok sa buwan kung iyong iisipin kahit itaga mo pa sa bato mahirap paniwalain
Dahil sa COVID, kalinisan ang nangunguna
Di lamang sa sarili, argit sa paligid tuwina
Disiplina ng bawat isa ay kava pala
Pairalin sana, di lang sa panahon ng giyera.
Tila nakalutang sa ulap itong si Kapaligiran
Nakahinga nang maayos at may ngiting laan
Halos tuluyan nang magpantay ang paa
Kapabayaan ng tao, marami ang nagdurusa.
Sana kahit magwakas itong pandemya
Di dapat ibaon sa hukay mabuting gawa
Bagkus ipagpatuloy ang respeto at pangangalaga
Sa kapaligiran na ating kasa-kasama.
Mapanuring Pag-iisip at Pangangalaga sa Kapaligiran
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa kapaligiran?
kapaligiran sa
2. Paano nabago ng mga tao ang kanilang gawain sa
kasalukuyang panahon?
3. Batay sa tula, ano kaya ang pakiramdam ni Kapaligiran dahil sa
pagbabagong nangyari sa kanya?
4. Kung matapos man ang pandemyang ito, paano mo maipapakita na
mapapangalaagan mo ang kapaligiran?
5. Batay sa tula, ano-ano ang mga sawikain na ginamit at ang
kahulugan nito? Magbigay ng apat.
Share
1.Pagbabago sa paligid, maruming kapaligiran tsaka may covid